My boss (the best boss in the whole wide world...hehe) asked me to scan this comic strip. Aside from the humor we get from the simple inquisition of a son to his father about man's certain attitude towards driving, we realize that it is so true.
Hindi ko alam...hindi ako marunong mag-drive(though I love to learn) kung ano ang nag-uudyok sa isang tao na magalit sa kapwa niya driver sa gitna ng kalsada lalo na kung nagit-gitan siya.
Is it because maybe he has personal issues troubling him and then here comes a reckless driver(maybe drunk, and like him has personal issues as well) in the midst of T.R.A.F.F.I.C and this reckless driver gets on this other guy's way and then boom!...You know what's happen next.
Hindi ko sinasabing mga lalaki lang ang kadalasang walang manners and right conduct sa pagmamaneho. Subalit sila ang madalas na nasasangkot sa mga ganitong gulo sa kalsada. Napakaraming kaso na ng patayan ang nangyari dahil sa simpleng away sa trapik. Kamakailan lang ay nahuli ang isang suspek sa pagpatay sa isang anak ng isang government official dahil muli sa away sa kalsada sa gitna na madugong engkwentro Ilang beses na din na ako mismo ay nakapanood ng pagtatalo ng 2 drayber dahil hindi nagbigay ang isa. Mga pagmumura, dirty fingers, mga paghahamon ng away.
At ilang beses na din na bang pinuna ng mga lalaking drayber ang kahinaan ng mga babae sa pagmamaneho? At dahil sa babae ako...nasasaktan ako pag nakakarinig ako ng mga ganitong komento.
Hindi isyu kung babae o lalaki ang may hawak sa manibela at may dala sa sasakyan. Hindi isyu ang kasarian.
0 Comments:
Subscribe to:
Post Comments (Atom)